60 pawikan, pinakawalan ng Parang LGU
Pinakawalan ng lokal na pamahalaan ng Parang ang mga maliliit na pawikan sa karagatan ng Bongo Island, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang Pebrero 20, 2024.
Nakiisa sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform, mga Punong Barangay at mga tauhan ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office.
Nasa mahigit 60 na pawikan ang pinakawalan sa naturang aktibidad bilang pakikiisa sa Save the Ecosystem.
Ang pagpapakawala sa mga pawikan ay alinsunod sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection na naglalayong bigyan proteksyon at pangalagaan ang mga pawikan upang dumami pa ang mga ito na isa sa nagpapanatili ng balanse sa karagatan. Panulat ni Ven