BPATs Enhancement Seminar/Awareness Lecture isinagawa sa San Juan City

Nagsagawa ng BPATs Enhancement Seminar/Awareness Lecture ang mga tauhan ng San Juan City Police Station sa Barangay Hall of Balong-bato, San Juan City nito lamang umaga ng Miyerkules, Pebrero 28, 2024.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga Barangay Kagawad, Tanod, Lupon Tagapamayapa, at Women and Children Desk Officers mula sa Barangay Salapan, Ermitaño, at Balong-Bato ng lungsod na ito.

Tinalakay dito ang tungkol sa Basic Function ng Barangay Tanod, First Responder, Proper Blotter Entry, Modus Operandi, Bagong Pilipinas sa Barangay Activity, EGov, Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 20041), Warrantless Arrest, at ang Basic Response on Traffic Incident.

Ito ay naglalayong magbigay ng sapat na kaalaman sa iba’t ibang batas, at impormasyon, pataasin ang kaalaman at pagyamanin ang matibay na pakikipagtulungan sa Barangay at komunidad upang mag-organisa at magpakilos bilang mga tagapagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan ng mamamayan.

Layunin ng nasabing aktibidad na bigyan ng kaukulang kaalaman ang mga BPATs lalo na sa pagbibigay ng paunang lunas sa mga pwedeng maging biktima ng anumang sakuna at kung papano i-dokumento ang isang insidente kung sakaling may mangyari at paano panatilihin ang seguridad sa kanilang nasasakupang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *