Advocacy Support Groups, nakilahok sa Community Outreach Program
Aktibong nakilahok ang mga kasapi ng Advocacy Support Groups sa Community Outreach Program na ginanap sa Barangay Bitaug, Enrique Villanueva, Siquijor noong ika-6 ng Marso 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Enrique Villanueva Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Roberto S Anulacion, Acting Chief of Police, kasama si Pastora Rosalie Serial at mga miyembro ng KKDAT.
Nagbahagi ng mga napapanahong impormasyon at namigay ng mga fliers ang grupo kasabay ng isinagawang Community Outreach Program at pamamahagi ng tig-5 kilong bigas sa mga kababaihan bilang bahagi ng paggunita sa National Women’s Month, na may temang: “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!”
Ang nasabing gawain ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng iba’t ibang organisasyon sa komunidad at pagpapalakas sa papel ng kababaihan sa lipunan.
Ang mga tagumpay na ito ay nagpapakita ng matibay na ugnayan ng komunidad, nagpapamalas ng malasakit at pag-unawa sa pangangailangan ng mga mamamayan, at nagbibigay ng inspirasyon sa pagpapatuloy ng serbisyo para sa lahat.
Source: Enrique Villanueva MPS