Force Multipliers, nakiisa sa Community Outreach Program

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa Community Outreach Program na ginanap sa Barangay Can-ibuang, Catmon, Cebu noong Marso 19, 2024.

Ang masiglang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng Catmon Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Arturo T Marfil, Officer-In-Charge, katuwang ang mga miyembro ng KKDAT at mga opisyales ng barangay.

Bukod sa pamimigay ng food packs, nagsagawa din ng talakayan patungkol sa Republic Act 8353 o Anti Rape Law, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), Anti-Terrorism, at R.A. 9262 (VAWC) upang hubugin ang mga kalahok na maging mas responsableng mamamayan.

Ang tagumpay ng programang ito ay nagpapakita ng di-mabilang na pagpupunyagi at dedikasyon ng ating gobyerno na ipakita ang malasakit at serbisyo sa ating mga kababayan.

Source: Catmon Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *