Livelihood Training, nilahukan ng mga Advocacy Support Group

Masugid na nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Livelihood Training on Breadmaking for Women na ginanap sa Barangay Guinbaliwan New Washington, Aklan nito lamang Marso 19, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng New Washington Municipal Police Station kasama ang mga estudyante at empleyado ng ACC TESDA na pinamunuan naman ni Dr. Ernesto Templo, mga barangay officials, mga grupo ng kababaihan, Soroptimist International of the Americas at mga guro.

Natutunan ng mga grupong nakilahok ang mga hakbang na kinakailangan sa paggawa ng tinapay na maaari nilang maging negosyo.

Layunin nito na madagdagan ang kanilang kaalamang pangkabuhayan na makakatulong at magbubukas ng mga oportunidad na magkaroon ng sariling negosyo para sa ikauunlad ng kanilang pamumuhay.

Source: PCADG Western Visayas

Panulat ni Julius Sam Accad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *