KKDAT Peñablanca Chapter, nagsagawa ng Clean-up Drive

Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo – Peñablanca Chapter sa Sitio Bagabba Barangay Agugaddan, Peñablanca, Cagayan nito lamang ika-30 ng Marso 2024.

Katuwang ng KKDAT sa nasabing aktibidad ang Barangay-Based Advocacy Support Group at mga kapulisan ng Peñablanca Police Station.

Sama-sama at tulong-tulong ang mga grupo sa paglilinis at pamumulot ng mga basura bilang suporta sa Enhanced National Greening Program ng gobyerno at Project N.A.R.E.N.U. o Pag-aalaga At Pagpapanumbalik ng Kapaligiran para sa Susunod na Nagkakaisang Henerasyon.

Ang Advocacy Support Group katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno ay patuloy na maghahatid ng serbisyong kapaki-pakinabang sa komunidad tungo sa isang payapa at maunlad na Lipunan tungo sa Bagong Pilipinas.

Source: Peñablanca PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *