Clean-up Drive, nilahukan ng Advocacy Support Group

Masugid na nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Clean-up Drive sa Barangay 9, Tigbauan, Iloilo nito lamang ika-4 ng Mayo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company kasama ang Tigbauan MPS, Philippine Coast Guard Tigbauan Sub-Station, MENRO, Faith Based Volunteer, Barangay Officials, Advocacy Support Group, mga mag-aaral, Faculty at Staff ng St. Therese MTC College.

Nilinis ng grupo ang mga kalsada ng naturang barangay at nilikom lahat ng basurang nakakalat na nakakasira sa ating kapaligiran.

Layunin ng grupo kasama ang mga iba’t ibang sektor ng lipunan na lumikha ng kamalayan sa publiko ukol sa pangangalaga sa kalikasan at pamamahala ng basura.

Source: 1st Iloilo PMFC

Panulat ni Julius Sam Accad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *