Miyembro ng BPOC at BADAC, dumalo sa Skills Enhancement Training at Seminar

Aktibong dinaluhan ng mga miyembro ng La Anunciacion – Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ang isinagawang Skills Enhancement Training at Seminar na pinangunahan ng Iriga City Police Station na ginanap sa Barangay La Anunciacion, Iriga City nito lamang ika-7 ng Mayo 2024.

Tinalakay sa nasabing aktibidad ang Anti-Illegal Drugs Awareness Campaign, R.A. No. 9262, Barangay Protection Order, Blotter Procedure, Handcuffing and Arresting Technique.

Kabilang sa mga dumalo ang La Anunciacion Elementary School – School Head, LAPSTODA President, Barangay Health Workers (BHW), Barangay Tanod at Barangay Council na pinamumunuan ni PB Rolando Serrano ng nasabing barangay.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong mapalawak at mapabuti ang kasanayan at kaalaman ng mga miyembro ng Force Multipliers sa pagganap ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Photos Credit/Source: Iriga City Police Station, CamSur PPO

Panulat ni PCpl Brian B Imperial

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *