Clean-up Drive, isinagawa sa
Casiguran, Aurora

Matagumpay na nakiisa ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO)- Casiguran sa Clean-up Drive na inilunsad ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company katuwang ang Barangay Officials at women’s sector sa Barangay Bianoan Casiguran, Aurora nito lamang Huwebes, ika-9 ng Mayo 2024.

Ang nasabing aktibidad ay sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Cielo L Caligtan, Force Commander, katuwang ang MENRO Casiguran, women’s sector at Barangay Officials ng naturang lugar.

Layunin ng aktibidad na mapangalagaan ang kapaligiran at maging malusog at ligtas alinsunod sa kasalukuyang administrasyon na Bagong Pilipinas sa Barangay.

Patuloy ang Pamahalaan at ang Pambansang Pulisya sa pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad upang hikayatin ang mamamayan na maging bahagi sa pangangalaga sa ating inang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *