Annual Summer Saya sa Isla ng Samal, ipinagdiwang
Napuno ng aksyon ang pagdiriwang ng Araw ng Barangay Tagpopongan kung saan ay naging kapansin-pansin ang matuturing na pinakamahalagang bahagi ng pagdiriwang ang “Bankarera 2024” na isinagawa nito lamang ika-6 hanggang ika-8 ng Mayo, taong kasalukuyan.
Ang Bankarera ay isang paligsahan ng karera ng bangka kung saan ay hindi lamang pawang residente ng lungsod ng Samal at Davao ang inaanyayahang lumahok kundi pati na rin ang buong Pilipinas. Dahil dito, maraming turista ang dumarayo at nag-aabang rito.
Nagwagi sa 18 HP Open Category si Kapitan Clarence Sellon na nakatanggap ng Php100,000 cash prize samantalang Php30,000 naman ang napanalunan ni Kapitan Aljed Sapilin sa 7 HP Open Category.
Sa laki nga naman ng naturang aktibidad at sa dami ng pumunta at nakiisa ay matagumpay pa rin na nagtapos ang pagtitipon sa tulong ng mga kinatawan ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy at Philippine National Police.