Livelihood Training Program, isinagawa sa Tagaytay City

Nagsagawa ng Livelihood Training Program ang mga tauhan ng Barangay Guinhawa North, Tagaytay City nito lamang Miyerkules, ika-8 ng Mayo 2024.

Ito ay pinangunahan ng mga Barangay Officials katuwang ang kapulisan ng Tagaytay Component City Police Station, sa pamumuno ni PLtCol Charles Daven M Capagcuan, hepe ng Tagaytay CPS na dinaluhan ng mga mamamayan ng nasabing Barangay.

Layunin ng programa na patuloy na maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga mamamayan sa naturang barangay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling hanapbuhay at negosyo upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa pang araw-araw.

Source: Tagaytay Component City Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *