Advocacy Groups, nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive
Matagumpay na isinagawa ang Coastal Clean-up Drive ng mga Advocacy Groups sa Barangay Tandung Ahas, Lamitan City, Basilan noong ika-11 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng iba’t ibang Advocacy Groups na KAAKIBAT CIVICOM at KABALIKAT CIVICOM katuwang ang 1403rd Battalion, Regional Mobile Force Battalion sa pamumuno ni Police Major Ferick G Comafay, Company Commander, RPCADU – BAR sa pangangasiwa ni Police Colonel Jaime N Barredo, Jr., Basilan PPO, Lamitan City Environment and Natural Resource Office, at 18th Infantry Battalion Philippine Army.
Layunin ng aktibidad na ito na mapanatiling malinis ang karagatan upang magkaroon ng malinis at mapayapang kapaligiran.
Ang aktibidad na ito ay patunay lamang na patuloy na nagkakaisa ang iba’t ibang Advocacy Groups katuwang ang buong hanay ng pulisya ng Pilipinas para sa maayos at mapayapang bansa.