Coastal clean-up drive, nilahukan ng iba’t ibang sektor

Nilahukan ng iba’t ibang sektor ang isinagawang coastal clean-up drive ng mga kasapi ng Sagay Municipal Police Station sa Barangay Balite, Camiguin nito lamang ika-11 ng Mayo 2024.

Ang naturang aktibidad ay aktibong nilahukan ng Lingkod Bayan Advocacy Groups, Force Multipliers at LGU kasabay sa pagdiriwang ng Annual Community Development Day.

Nakiisa rin sa paglilinis ang mga miyembro ng BHERTS.

Tulong-tulong ang nabanggit na grupo sa paglilinis at pagpupulot ng basura sa naturang lugar.

Ang matagumpay na aktibidad ay bunga ng pagkakaisa ng bawal mamamayan at iba’t ibang sektor upang mapangalagaan ang ating kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *