Advocacy Support Group, nakilahok sa Mangrove Planting Activity

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Mangrove Planting Activity sa Barangay Dadiangas West, General Santos City nito lamang ika-11 ng Mayo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng General Santos City Police Station-PS5 at Bahaghari SOX, Teenpuryog, KALIGKASAN, at SK Mabuhay na mga miyembro ng Advocacy Support Group.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong himukin ang komunidad na pangalagaan, protektahan at panatilihin ang kagandahan ng ating kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

Samantala, patuloy ang grupo sa pakikipagtulungan sa lahat ng sektor ng lipunan upang maipagpapatuloy at mapanatili ang pangangalaga sa bakawan para sa kabutihan ng kasalukuyan.

Panulat ni Flora Mae Asarez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *