KALINISAN Clean–up Drive nilahukan ng Advocacy Support Group

Nagsanib puwersa ang Advocacy Support Groups sa naganap na KALINISAN Clean–up Drive sa Juan Ortega St, Barangay Holy Spirit, Quezon City nito lamang Sabado, Mayo 11, 2024.

Ang aktibidad ay may temang “Kalinisan, Kalinga at Inisyatiba para sa malinis na Bayan sa Bagong Pilipinas na pinangunahan ng LGU ng lungsod, private companies at PNP.

Sama–samang nilinis ng grupo ang kapaligiran na nagdulot ng maganda at malinis na lugar.

Layunin nitong mapangalagaan ang ating kalikasan at ipakita sa publiko ang kahalagahan nito para sa isang luntian, masagana at malusog na Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *