Mga residente ng Barangay Canawan, nakiisa sa isinagawang talakayan

Nakiisa ang mga residente sa isinagawang talakayan patungkol sa Republic Act 9262 (VAWC), RA 4136 (Traffic Rules and Regulations) at Bida Program (Buha’y Ingatan Droga’y Ayawan) sa Barangay Canawan, Salug, Zamboanga del Norte nito lamang ika-9 ng Mayo 2024.

Pinangunahan ito ng mga personnel ng Salug Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain Leo F Suan, Officer-In-Charge, PMSg Jarel A Daquipil, WCPD PNCO at PCMS Pet Andy T Cariño-Chief Investigator sa Barangay Canawan, Salug, Zamboanga del Norte.

Layunin ng aktibidad na ito na maibahagi sa mga residente ang kanilang mga nalalaman at makaimpluwensya ng tamang disiplina na kinakailangan sa araw-araw na gawain at pagiging isang mabuting mamamayan ng isang bansa upang makamit ang ligtas, masaya, at maunlad na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Kaye Francisco

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *