Barangay Legal Awareness Program (BLAP), isinagawa sa Lanao del Norte
Nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Lanao del Norte ng Barangay Legal Awareness Program o BLAP sa mga residente ng Barangay Kolambugan, Lanao del Norte nitong ika-9 ng Mayo 2024.
Ito ay sa inisyatibo ng Provincial Legal Office sa pamumuno ni Attorney Mark Christopher Babor, Provincial Legal Officer/Acting Provincial Administrator sa ilalim ng pangangasiwa ni Governor Imelda “Angging” Quibranza-Dimaporo.
Ang mga naging benepisyaryo ay mga residente mula sa Barangay Kolambugan na nagsimula mula pa noong buwan ng Marso na natulungan na magkaroon ng kamalayan sa mga legal na usapin.
Ito ay may layuning mabigyan ng libreng serbisyong legal at edukasyon sa nasabing usapin sa mga barangay sa buong probinsya ng Lanao del Norte.
Panulat ni Fajardo