BPATs, Lumahok sa Skills Enhancement Seminar
Lumahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa Skills Enhancement Seminar na isinagawa sa Lubon, Tadian, Mountain Province noong ika-12 ng Mayo 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinasimulan ng 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company kung saan ito ay nilahukan ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team.
Kabilang sa serye ng aktibidad ang pagtalakay ng mga naturang grupo tungkol sa Arrest Techniques, Basic Disarming at Hand Cuffing Techniques at pagbibigay kaalaman hinggil sa tungkulin ng BPATs at ang kanilang mahahalagang kontribusyon at papel sa pagsugpo sa kriminalidad, ilegal na droga, at terorismo.
Layunin ng pagsasanay na hubugin ang kakayahan at kaalaman ng mga Force Multipliers ng PNP upang maayos nilang magampanan ang mga kanilang mga tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.