Buldon LGU, nagsagawa ng River Clean-up Drive

Nagsagawa ng River Clean-up Drive ang mga tauhan ng Local Government Unit Buldon sa Kumagingking River, Barangay Minabay, Buldon, Maguindanao Del Norte noong ika-14 ng Mayo 2024.

Pinangunahan ni Nasser D. Marindig ang naturang aktibidad kaisa ang mga tauhan ng Municipal Environment and Natural Resources Office at aktibong kooperasyon ng mga tauhan ng Buldon MPS na pinangunahan ni Police Lieutenant Marlon D Dante, Officer-In-Charge.

Layunin ng aktibidad na ito na mapangalagaan ang kalikasan at maproteksyonan ang komunidad sa anumang uri ng sakuna.

Ang pagtutulungan ng mga kapulisan at mga mamamayan sa ganitong uri ng aktibidad ay mahalaga upang matugunan ang mga suliraning pangkapaligiran at maitaguyod ang Environmental conservation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *