KKDAT, nagsagawa ng outreach program sa Tantangan, South Cotabato

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa Tantangan Central Elementary School, Poblacion, Tantangan, South Cotabato nito lang ika-13 ng Mayo taong kasalukoyan.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng KKDAT Tantangan katuwang ang Tantangan Municipal Police Station at mga guro ng Tantangan, Central Elementary School na boluntaryong nakiisa sa aktibidad.

Humigit-kumulang 150 na mag-aaral ang nakatanggap ng mga gamit sa eskwela at masusustansyang pagkain sa nasabing aktibidad.

Layunin ng mga ganitong programa na makatulong sa mga kabataang mag-aaral ng Tantangan, Central Elementary School na higit na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *