BPATs, sumailalim sa pagsasanay sa Capiz

Sumailalim ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams sa isinagawang pagsasanay na pinangunahan ng kapulisan sa Barangay Pagbunitan Sigma, Capiz noong ika-13 ng Mayo 2024.

Tinuruan ang mga kalahok ukol sa tamang paraan ng pag-aresto at sinundan ng pagtalakay hinggil sa mga tungkulin at responsibilidad ng mga BPATs.

Binigyang diin din sa talakayan ang patrolya sa gabi, kampanya laban sa ilegal na droga, ilegal na pagsusugal, baril na hindi rehistrado, LOI Manhunt Charlie at E.O. 70 (ELCAC) End Local Communist Armed Conflict.

Layunin nito na madagdagan ang kaalaman ng mga miyembro ng BPATs upang mas magampanan pa nila ng maayos ang kanilang tungkulin para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.

Source: Sigma MPS

Panulat ni Julius

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *