Force Multipliers, nakiisa sa Bloodletting Activity sa Biliran

Aktibong nakiisa ang mga Force Multipliers sa isinagawang Bloodletting Activity na ginanap sa Biliranon Pulis Multi-Purpose Hall, Camp Private Andres P Dadizon, Barangay Larrazabal, Naval, ngayong ika-14 ng Mayo 2024.

Ang matagumpay na aktibidad ay pinangunahan ni PCol Felix G Gervacio, Jr., Provincial Director ng Biliran PPO kasama ang Eastern Visayas Medical Center Team, mga personahe ng Bureau of Fire Protection at iba pang mga residente ng nasabing lugar.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng regional police force na itaguyod ang kalusugan at kagalingan sa mga tauhan nito at ng lokal na komunidad.

Sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga naturang kaganapan, layunin nito na itaas ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng donasyon ng dugo at hikayatin ang mas maraming indibidwal na mag-ambag sa adhikaing makapagligtas ng buhay.

Panulat ni Christine Reyna T Tolledo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *