25 pedicab drivers, nakiisa sa isinagawng anti-illegal drugs symposium
Aabot sa 25 pedicab drivers ang nakiisa sa isinagawang anti-illegal drugs symposium ng mga tauhan ng Ozamis City Police Station sa City Gym, Barangay Lam-an, Ozamis City nitong umaga ng ika-18 ng Mayo 2024.
Ito ay sa direktiba ni Police Major Dennis P Tano, Officer-In-Charge ng Ozamis CPS katuwang ang local na pamahalaan ng naturang siyudad.
Natalakay sa naturang symposium ang masamang epekto ng mga ipinagbabawal na gamot sa katawan upang mailayo sila sa paggamit nito.
Isinagawa rin ang naturang aktitibidad bilang suporta sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa pagsugpo sa ilegal na droga at tamang impormasyon sa pag-iwas nito.
Layunin ng gawain na maiwas ang mga kalahok sa banta ng ilegal na droga at masasamang epekto nito sa kalusugan, relasyon ng pamilya at sa lipunan.
Panulat ni Edwin Baris