BPATs, nakiisa sa Clean-up Drive ng Aurora PNP

Aktibong nakiisa ang BPATs sa isinagawang Clean-up Drive ng 1st Provincial Mobile Force Company kasama ang mga Barangay Officials at residente sa Barangay Ibona, Dingalan, Aurora nito lamang Biyernes, ika-18 ng Mayo 2024.

Ang naturang paglilinis ay pinangunahan ng mga kapulisan ng Aurora sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Rufunita B Garcia, Team Leader ng nasabing unit.

Nagkaisa ang bawat indibidwal sa paglilinis at paghahakot ng mga basura upang maipakita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na kapaligiran.

Ito ay kaugnay sa programa ng Pambansang Pulisya na KALIGKASAN o Kaligtasan at Kalikasan na naglalayong makiisa ang mga awtoridad sa pangangalaga ng ating kapaligiran.

Patuloy ang Aurora PNP sa pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad upang mapanatili ang kagandahan at kahalagahan ng kalikasan.

Panulat ni Mildred Tawagon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *