Advocacy Support Group, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive
Masigasig na nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Coastal Clean-up Drive na ginanap sa tabing dagat ng Barangay Bongalonan, Basay, Negros Oriental noong ika-18 ng Mayo 2024.
Ang makabuluhang aktibidad ay pinangunahan ng Basay Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Alfred Vicente A Silvosa, Officer-In-Charge, sa pakikipagtulungan sa 4th SOU PNP Maritime, mga Opisyal ng Barangay, Advocacy Support Group, KKDAT, at mga residente.
Layunin ng aktibidad na maitaguyod ang magandang relasyon ng bawat miyembro ng lipunan at isulong ang pagpapanatili ng kalinisan at mabawasan ang polusyon ng kapaligiran.
Bukod dito, ang gawaing ito ay tumutulong upang mapataas ang kamalayan ng mga residente tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran.
Ang pagkakaroon ng ganitong klaseng inisyatiba ay nagtataguyod ng kolektibong responsibilidad para sa ating kapaligiran, na nagbubunsod ng mas malawak na partisipasyon at suporta mula sa komunidad.
Source: Basay MPS