Advocacy Support Group, nakilahok sa Clean-up Drive

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Clean-up Drive sa Barangay Canduman, Mandaue City, Cebu noong ika-19 ng Mayo 2024.

Ang nasabing aktibidad ay masiglang pinangunahan ng Police Station 6, Mandaue City Police Office, sa pamumuno ni Police Major Mark M Navales, Station Commander, katuwang ang Advocacy Support Group at mga opisyales ng barangay.

Ang clean-up drive na ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng Bagong Pilipinas na naglalayong palakasin ang kamalayan at partisipasyon ng bawat Pilipino sa mga makabuluhang adbokasiya.

Layunin ng aktibidad na ito na itaguyod ang disiplina at responsibilidad ng bawat isa sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang komunidad.

Ang pagsusumikap ng bawat isa na maging bahagi ng solusyon sa problema ng kalinisan ay isang patunay ng kanilang dedikasyon sa mas maayos at malinis na komunidad.

Source: Police Station 6, MCPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *