Advocacy Support Group, nakilahok sa Tree Planting Activity
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Napaan, Malay, Aklan nito lamang ika-18 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng Aklan Maritime Police Station kasama ang kinatawan mula sa Malay Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Second Aklan PMFC, mga miyembro ng Naapan Barangay Council, Barangay Health Workers (BHW), Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), mga guro at estudyante mula sa Napaan Elementary School, mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Saviors of the Sea (SOS) at iba pang mga volunteers.
Nagtipon-tipon ang mga kalahok sa tabi ng pampang ng ilog upang itanim ang mga punlang dancalan na pinili dahil sa kanilang katatagan at angkop na katangian para sa kapaligiran.
Layunin ng grupo katuwang ang iba pang sektor ng lipunan na pangalagaan ang ating kalikasan upang maibsan ang matinding epekto ng El Niňo sa ating bansa na nagdudulot ng mga iba’t ibang sakit sa mga mamamayan.
Source: Aklan MARPSTA
Panulat ni Pat Julius Sam Accad