Skills Enhancement Training at Seminar, dinaluhan ng BPAT members
Aktibong dinaluhan ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ng Barangay Osmeña ang isinagawang Skills Enhancement Training at Seminar ng Cataingan MPS sa Cataingan, Masbate nito lamang ika-18 Mayo 2024.
Tinalakay ng mga tagapagsanay sa nasabing aktibidad ang tamang pamamaraan ng pag-aresto, handcuffing, self-defense at pagtugon sa anumang sakuna at kalamidad sa kanilang nasasakupan.
Kabilang din sa tinalakay ang Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children Act of 2004 at R.A. No. 8353 (Anti-Rape Law) as amended by R.A. No. 11648 and other laws concerning women and children.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong makatulong at magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers upang magkaroon sila ng kaalaman na kapaki-pakinabang sa kanilang tungkulin.
Source: Cataingan MPS Masbate
Panulat ni Brian