BPATs Training, isinagawa sa Cebu
Nagsagawa ng pagsasanay para sa mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa Barangay Sta. Lucia, Asturias, Cebu noong ika-20 ng Mayo 2024.
Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ng 1st Provincial Mobile Force Company sa pakikipagtulungan ng Asturias Municipal Police Station, RECU 7, Pastor Ali Claro, Lifetime Coach, mga opisyales ng barangay, at LGU Asturias.
Ito ay nilahukan ng iba’t ibang Barangay Tanod/BPATs ng Munisipalidad ng Asturias.
Ibinahagi sa mga kalahok ang kanilang mga responsibilidad at tinuruan ng Basic Police Intervention Techniques bilang armas sa pagresponde sa iba’t ibang sitwasyon, tamang pag-aresto at pagpoposas, Basic Concept of Bomb Identification & Protocols, Project A.B.K.D (Awareness of Bombs that kills & Destroy Properly).
Ang pagsasanay na ito ay isang hakbang tungo sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga lokal na tanod at BPATs sa pagsugpo ng krimen at pagpapanatili ng kaayusan sa kani-kanilang mga komunidad.
Source: 1st PMFC