Advocacy Support Group nanguna sa Underwater Clean-Up sa Lapu-Lapu City
Masigasig na nanguna ang Advocacy Support Group sa Underwater Clean-Up (Scubasurero) na ginanap sa karagatan ng Barangay Maribago at Mactan, Lapu-Lapu City, Cebu noong ika-21 ng Mayo 2024.
Ang mga kapulisan mula Cebu City Maritime Police Station ay nakibahagi sa naturang aktibidad sa pamumuno ni Police Captain Lucio DC Vergara Jr.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng Lapu-Lapu CENRO/Bantay Basura na pinamunuan ni Mr. Emeterio Bonghanoy.
Ang proyekto ay isinagawa kaugnay ng selebrasyon ng Buwan ng Karagatan 2024, na naglalayong palakasin ang kamalayan sa pangangalaga sa ating mga karagatan. Sa kabuuan, ang grupo ay nakalikom ng 40 kilo ng basura.
Ang matagumpay na aktibidad na ito ay isang malaking hakbang tungo sa mas malinis at mas ligtas na karagatan para sa lahat.
Patuloy na isinusulong ng mga kalahok ang adbokasiya ng kalinisan at pangangalaga sa kalikasan bilang bahagi ng kanilang serbisyo sa bayan.
Source: Cebu City Maritime Police Station