KKDAT – Bauko Chapter, nakilahok sa Tree Planting Activity
Muling nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT)-Bauko Chapter sa isinagawang Tree Planting sa Mabaay, Bauko, Mountain Province, nito lamang umaga ng ika-23 ng Mayo 2024.
Kabilang sa mga nakilahok ang mga tauhan ng 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company, Bauko Municipal Police Station, mga mag-aaral at guro ng nasabing paaralan.
Iba’t ibang punla na mahigit sa 520 piraso ng prosperus, rambutan, cypress at kape ang matagumpay na naitanim ng mga nasabing grupo sa kapaligiran ng nasabing eskwelahan.
Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga mag-aaral at kabataan na makiisa sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran upang makaiwas sa sakuna gaya ng landslides at ang hindi magandang epekto ng global warming.
Panulat ni Jenifer P Cabael