44 na Kabataan, lumahok sa 3-Day Youth Leadership Summit
Malugod na nilahukan ng 44 na Kabataan ang isinagawang tatlong araw na Youth Leadership Summit sa Abatan, Bauko, Mountain Province nito lamang ika-23 hanggang 25 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay bahagi “Moving the Youth Program for Development” na pinasimulan ng mga pinagsamang tauhan ng 54th Infantry “Magilas” Battalion, Mountain Province katuwang ang Bauko Municipal Police Station, 1st Mt. Province Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 15, Sabangan MPS, Bauko Training Center, Kabataan Kontra Droga at Terorismo, Abatan National High School, Abatan BLGU, at mga gagulangan.
Iba’t ibang paksa ang tinalakay sa naturang aktibidad kabilang ang Youth Leadership, Drug Awareness, Responsible Use of Social Media, Emotional Support, Teenage Pregnancy, at Awareness on CTG Recruitment and Deception.
Bukod pa rito, nagsagawa din ng mga aktibidad gaya ng Banner Making, Slogan Contest at iba pang patimpalak na nagpapatibay sa pagkakaisa at pakikisama.
Samantala, pinuri ni Police Colonel Sibly P Dawiguey Jr., ang mga kalahok sa kanilang dedikasyon at pagsisikap na tapusin ang progroma ng may maraming natutunan.
Kanya ding hinikayat ang mga kabataan na gamitin ang kanilang napag-aralan upang maging isang mabuting anak, responsableng mamamayan at higit sa lahat ay ang maabot nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.