BPATs, aktibong nakiisa sa Clean-up Drive

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams sa Clean-up Drive sa pampang ng Ibulao river sa Barangay Ibulao, Kiangan, Ifugao noong Mayo 24, 2024.

Ang aktibidad ay nilahukan ng Barangay Peacekeeping Action Teams kasama ang Haggiyo Cops ng Ifugao Police Provincial Office, tauhan ng Bureau of Fire Protection-Kiangan, Bureau of Jail Management and Penology-Ifugao District Jail, at Department of Interior and Local Government.

Ang mga kalahok ay nagtulong-tulong sa pag-alis ng mga kalat at basura sa tabi ng ilog. Pagkatapos, ang mga nakolektang basura ay inayos alinsunod sa wastong pagtatapon ng basura.

Sa isang pinag-isang pagsisikap, ang nasabing aktibidad ay alinsunod sa kasalukuyang administrasyon na naglalayong magkaisa at magtulungan upang mabuo ang isang bansa na tumutugon sa pagtataguyod ng kalinisan para sa mas maasahang kinabukasan para sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Melanie

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *