Feeding program, isinagawa sa Lala, Lanao del Norte

Masayang nakiisa ang mga studyante sa isinagawang feeding program sa FM Posadas Elementary School, Lala, Lanao del Norte nitong ika-23 ng Mayo 2024.

Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ni Mr. and Mrs. Noli Taruc Jr., Major Sponsors, katuwang ang Lala Municipal Police Station at Criminology Intern students.

Mahigit 100 kabataan ang napasaya sa aktibidad na isinagawa ng naturang grupo na labis ring ikinasaya ng mga guro.

Layunin ng aktibidad na ito ang matulungan ang mga studyante upang maiwasan ang gutom at maisagawa ng maayos ang kanilang mga aktibidad sa paaralan.

Panulat ni Sanchez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *