KKDAT Bontoc Chapter, nagsagawa ng Clean-up Drive

Nagsagawa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo-Bontoc Chapter sa isinagawang Clean-up Drive sa Sitio Narfang Viewdeck hanggang Teng-ab, Bontoc, Mountain Province noong ika- 25 ng Mayo 2024.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Company, Bontoc Municipal Police Station, at mga boluntaryo ng nasabing lugar.

Matagumpay na nakakolekta ang mga naturang grupo ng 12 sakong basura sa nasabing lugar.

Samantala, pinuri ni PMaj Ryan A Wakat, Chief of Police ng Bontoc MPS ang mga miyembro ng KKDAT sa kanilang dedikasyon at pagsisikap na makatulong sa pamayanan.

Ang aktibidad ay naglalayong palawakin ang kamalayan at ugnayan sa bawat miyembro ng komunidad sa adbokasiyang natataguyod sa pangangalaga sa kapaligiran.

Panulat ni Melba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *