Learning Hub inilunsad sa bayan ng Mansalay, Oriental Mindoro

Inilunsad ang isang Learning Hub na binuo ng mga miyembro ng Sangguniang Kabataan at Faith-Based Group kasama ang mga kapulisan para sa mga kabataan ng Barangay Cabalwa, Mansalay, Oriental Mindoro na isinagawa noong Mayo 24, 2024

Ang aktibidad na ito ay nasakatuparan dahil na rin sa tulong ng mga tauhan ng 403rd B MC, RMFB, sa pangunguna ni PLt Jarod Joshua I Albos, Deputy Company Commander, sa ilalim ng pamumuno ni PCpt Sherwin S Ramirez, Officer-In-Charge

Ang aktibidad ay naglalayong magbigay ng suportang espasyo kung saan ang mga bata ay malayang matuto, magbahagi ng kaalaman, at bumuo ng mga bagong kasanayan.

Kabilang dito ang mga mapagkukunan tulad ng mga libro at workshop upang matulungan ang mga bata ng komunidad na lumago at bumuo ng kanilang mga talento.

Ito ay pagpapakita na ang ating gobyerno ay may malasakit sa kinabukasan ng ating mga kabataan.

Source: 403rd B MC, RMFB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *