Clean-up Drive, isinagawa sa Lanao del Sur

Nagsagawa ng Clean-up Drive ang miyembro ng 9th Juniors Leadership Volunteering Program sa Barangay Lumbaca Inudaran, Marantao, Lanao del Sur noong ika-27 ng Mayo 2024.

Nakiisa rin sa naturang aktibidad ang mga estudyante ng Mindanao State University, College of Business Management and Accountancy, Lumbaca Inudaran Barangay Local Government Unit at mga miyembro ng Lanao Del Sur Police Provincial Office at Marantao Lions Piagapo Municipal Police Station.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Internal Cleansing Program upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at makaiwas sa anumang uri ng sakit dulot ng maruming paligid.

Patuloy na magkakaisa ang mga kapulisan at mamamayan na itaguyod ang mga ganitong aktibidad upang mapanatili ang magandang uganayan sa bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *