BPATs, nakiisa sa talakayan sa San Rafael, Bulacan
Nakiisa sa makabuluhang talakayan ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams sa isinagawang Barangay Visitation at Dialogue ng Bulacan PNP sa Barangay Pantubig at Lico, San Rafael, Bulacan nito lamang Martes , ika-28 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ni Police Lieutenant Colonel Jolly C Soriano, hepe ng San Rafael Police Station, na aktibong nilahukan ng mga miyembro ng BPATs at kawani ng pantubig ng barangay.
Nagbigay kaalaman ang pulisya tungkol sa Anti-illegal Drugs Campaign, Barangay Justice System, RA 9262 (Anti Violence against Women and Children), Terrorism at sinundan ito ng pamamahagi ng flyers na naglalaman ng Crime Prevention Tips at San Rafael MPS Hotline numbers.
Kabilang din sa tinalakay ang tungkol sa mga adbokasiya ng nasabing istasyon.
Labis ang pasasalamat ng mga miyembro ng BPATs sa mga kaalaman na kanilang natutunan dahil malaking tulong ito sa kanila upang maiwasan ang pagiging biktima ng anumang uri ng krimen at upang hindi sumapi sa mga makakaliwang grupo.
Layunin ng aktibidad na ito na madagdagan ang kamalayan ng mga mamamayan tungkol sa mga batas, mga dapat at di dapat gawin upang makaiwas sa krimen, droga at insurhensiya bilang pagtugon sa mga programa ng pamahaalan na naglalayong mapaigting ang seguridad ng bawat mamamayan at mapanatili ang pagkakaisa ng bawat Pilipino.
Panulat ni Mildred Tawagon