Community Outreach at Lecture, isinagawa

Isang Community Outreach at Lecture ang isinagawa ng mga opisyales ng Barangay sa Barangay Nothern Poblacion, Calamba, Misamis Occidental nito lamang ika-28 ng Mayo 2024.

Magkatuwang na isinagawa ang nasabing aktibidad ng mga opisyales ng Barangay Northern Poblacion sa pangunguna ni Hon. Romil Limitares, Barangay Captain at mga kapulisan ng Calamba Municipal Police Station.

Sa aktibidad ay nagkaroon ng talakayan patungkol sa Violence Against Women and Children; Child Abuse Campaign; sa ilegal na droga; terorismo at National Task Force – Disbandment of Private Armed Groups o NTF-DPAGs.

Ito ay aktibong nilahukan ng nasa 50 na indibidwal na mga residente ng naturang Barangay.

Layunin ng grupo na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga residente sa Barangay upang mas maging produktibo at maayos ang mga komunidad na magdadala sa inaasam na bagong pilipinas.

Panulat ni Fajardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *