Child Protection at Solid Waste Management Symposium, idinaos sa Bayugan City

Idinaos ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ang isang symposium tungkol sa Child Protection at Solid Waste Management na dinaluhan ng mga estudyante at guro sa Salvacion National High School, Bayugan City, Agusan Del Sur noong Mayo 22, 2024.

Isa sa mga naging tampok na tagapagsalita ay si Hon. Venus Gwen C. Fermace-Capote, ang Pangulo ng (KKDAT) Bayugan City Chapter, kasama si Gng. Ludy Girl Briones, secretary ng KKDAT, na aktibo ring nakilahok at nagbahagi ng kanilang mga karanasan at kaalaman.

Ang symposium ay nakatuon sa pagtuturo ng tamang pamamahala ng solid waste, kabilang ang pag-recycle at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran, habang nagbibigay din ng kamalayan sa mga kabataan tungkol sa kanilang mga karapatan, kung paano protektahan ang sarili laban sa pang-aabuso, at ang mga tamang hakbang na dapat gawin kung makakaranas o makakaalam ng pang-aabuso.

Layunin ng aktibidad na paigtingin ang pakikipagtulungan ng mga KKDAT, paaralan, at pamahalaan sa pagsusulong ng mga adbokasiyang makakatulong sa kabataan at sa kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *