Coastal Clean-up Drive, isinagawa sa Glan, Sarangani Province
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at Advocay Support Group sa isinagawang Clean-up Drive sa Sitio Logpond, Barangay Taluya Glan, Sarangani Province nito lamang ika-29 ng Mayo 2024.
Nagsagawa ng isang malawakang paglilinis ng baybayin bilang bahagi ng UNTV-Ocean Care Initiative na pinagtulungan ng mga Kabataan ng Church of God International at mga tauhan ng Sarangani Maritime Pulis Sarangani Province. Kabuuang 76 sako ng basura ang nakuha mula sa lugar.
Layunin natin na maging huwaran sa responsableng pag-aalaga sa kalinisan ng ating lugar, sapagkat sa pamamagitan nito ay masisiguro natin ang isang mas magandang kinabukasan para sa ating lahat.
Panulat ni Arki