Community Outreach Program, matagumpay na naisagawa
Nakiisa ang 2nd South Cotabato Provincial Mobile Force Company sa isinagawang Outreach Program sa pamamagitan ng ELCAC Service Caravan sa Barangay Tudok, T’boli, South Cotabato nito lamang ika-27 ng Mayo 2024.
Ang nasabing aktibidad ay may kaugnayan sa isinagawang Community Visitation at Community Engagement na pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office katuwang ang 2nd South Cotabato Provincial Mobile Force Company at ang mga Barangay Officials ng Barangay Tudok.
Ang nasabing barangay ay kabilang sa Geographical Isolated Disadvantage Areas (GIDAs) kaya isa ito sa mga naging konsiderasyon kung bakit napili ang nasabing barangay na mabigyan ng libreng pakain o Feeding Program na labis na ikinatuwa at pinasalamatan ng mga residente.
Layunin ng aktibidad na maipabatid sa mga residente na patuloy ang paghahanap ng paraan ng ating mga kapulisan kaakibat ang mga programa ng pamahalaan upang makapaghatid ng tulong sa mamamayan upang mabigyan cla ng ligtas, mapayapa, at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Toleme