BPATs, nakiisa sa sa isinagawang lecture sa Sarangani
Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang talakayan sa Barangay Tuyan, Malapatan, Sarangani nito lamang Hunyo 5, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga kawani ng LGU Sarangani na nilahukan ng nasabing grupo kasama ang mga kawani ng Malapatan Municipal Police Station.
Nagsilbing pagkakataon ang nasabing aktibidad upang magtipon-tipon ang mga taga-komunidad sa Barangay Tuyan upang ituro sa kanila ang Anti-Online Sexual Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse Materials (CSAEM) Act at RA 11596 (Prohibition of Child Marriage Law) to the Children of 4Ps Beneficiaries, sa ginanap na Youth Development Session.
Layunin ng aktibidad na ito na turuan ang komunidad tungkol sa mga batas na ito, upang mabigyan sila ng tamang impormasyon lalo na ang ating mga kababaihan at sa mga bata patungkol sa Anti Online Sexual Exploitation of Children.
Alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi titigil ang himpilan sa pagkakaroon ng mga programang magpapayabong sa kaalaman at kakayahan ng bawat mag-aaral lalo na ang mga Kabataan.