KKDAT, nakilahok sa Awareness Lecture

Nakilahok ang mga miyembro ng KKDAT San Francisco Chapter na pinamumunuan ni Ms. Trexy Jane A. Maltos, KKDAT President sa isinagawang Awareness Lecture ng mga tauhan ng San Francisco Municipal Police Station na ginanap sa SFMPS conference room, Barangay 3, San Francisco, Agusan Del Sur noong Hunyo 6, 2024.

Sa lekturang ito, tinalakay ang mga mahahalagang paksa tungkol sa kampanya laban sa ilegal na droga at terorismo.

Nagbigay naman ng mga salita ng paghihikayat ang tagapayo ng KKDAT upang lalo pang palakasin ang adbokasiya ng samahan laban sa ilegal na droga at terorismo.

Binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat miyembro upang matagumpay na maisakatuparan ang kanilang mga layunin.

Layunin ng lektura na magbigay ng kaalaman at kamalayan sa mga kabataan ukol sa mga panganib na dulot ng ilegal na droga at terorismo, pati na rin ang mga hakbang na maaaring gawin upang labanan ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *