Barangay Road Clearing Operations, isinagawa sa Maguindanao del Sur

Nagsagawa ng Barangay Road Clearing Operations ang mga tauhan ng Local Government Unit ng Rajah Buayan sa Rajah Buayan, Maguindanao del Sur nito lamang ika-8 ng Hunyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ni Punong Bayan Bai Maruja Ampatuan Mastura, kaiisa ang mga Punong Barangay, tanggapan ng MILGOO, 33rd Infantry Battalion, Philippine Army, Bureau of Fire Protection at mga miyembro ng Rajah Buayan Municipal Police Station.

Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa DILG Memo Circular No. 2024-053, na naglalayong magkaroon ng ligtas, maayos at malawak na lansangan para sa buong bayan at mamamayan ng naturang lugar.

Patuloy na makikiisa at magbibigay suporta ang pulisya upang maiparamdam sa bawat mamamayan ang tunay na serbisyong publiko at mas mapalakas ang ugnayan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *