4th Batch ng Barangay Tanod Skills Enhancement Training, isinagawa sa Surigao City
Isinagawa ang ika-4th Batch ng Barangay Tanod Skills Enhancement Training na dinaluhan ng mga Barangay Tanod mula sa mga clustered Barangay ng Surigao City na ginanap sa City Cultural Center, City Hall Compound, Barangay Washington, Surigao City nito lamang Hunyo 18, 2024.
Ang naturang programa ay may temang “Pagpapasigla sa Papel ng mga Barangay Tanod sa Kapayapaan at Kaayusan.”
Ang ika-4th Batch ng Barangay Tanod Skills Enhancement Training ay isang patunay ng patuloy na pagsusumikap ng Surigao City na magtaguyod ng isang mapayapa, maayos na komunidad at paigtingin ang kakayahan at kasanayan ng mga Barangay Tanod upang mas mahusay na magampanan ang kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga nasasakupan.