KKDAT Natonin Chapter, nakiisa sa Community Outreach Program
Nakiisa sa Community Outreach Program ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo-Natonin Chapter sa Tuboy, Banawel, Natonin, Mountain Province nito lamang ika-16 ng Hunyo 2024.
Ang nasabing aktibidad ay may temang “Reaching Communities: Building Partnerships and Connections to Foster a Collaborative Community” na pinangunahan ng SK Banawel kasama ang Natonin Local Youth Development Council at ang Kabataan Kontra Droga at Terrorismo-Natonin Chapter.
Kabilang sa aktibidad ang pamamahagi ng damit, gamit sa kusina at pag-oorganisa ng mga parlor games.
Nagbigay ng talumpati ang Pangulo ng KKDAT na si Beljoy Bacuyag upang ipahayag ang adbokasiya ng KKDAT, ibinahagi nito ang mga benepisyo para sa mga kabataan at ipinaliwanag kung paano ito nakatutulong sa kanilang paglago at pagiging mabuting mamamayan. Hinihikayat din niya ang mga kabataan na sumali sa organisasyon.
Ang aktibidad ay naglalayong tulungan ang komunidad para sa mahalagang pangangailangan at patibayin ang relasyon sa isa’t isa para sa progresibong mamamayan sa lipunan.