Tree Planting Activity, pinangunahan ng Environment and Natural Resources Management Division

Pinangunahan ng Environment and Natural Resources Management Division (ENRMD) ang isinagawang tree planting activity sa Ragobrob Watershed, Melilla, Sta. Cruz, Davao del Sur nito lamang ika-21 ng Hunyo 2024.

Aktibo namang nakiisa sa adhikain na ito ang Youth for Peace Movement Sta. Cruz Chapter, gayundin ang mga residente ng Sta. Cruz, at Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Armed Forces of the Philippines at Bureau of Fire Protection.

Sumali rin sa nasabing aktibidad ang sektor ng pribadong industriya tulad ng My Gas Petroleum Corporation na pinangungunahan nina G. Jeffrey Cabrillo at Noli Bernardino.

Ang aktibidad ay naglalayong maiwasan ang pagguho ng lupa, mapabuti ang kalidad ng hangin at tubig gayundin ang lupa upang mapangalagaan ang ating kalikasan para na rin sa ikabubuti ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *