Clean-up Drive, isinagawa sa Lamitan City

0
381125384_968553684227628_3473499837151229165_n

Naisakatuparan ang isinagawang clean-up drive sa Barangay Limo-ok Lamitan City, Basilan nito lamang ika-22 ng Hunyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay naging inisyatibo ng mga tauhan ng Lamitan City Environment and Natural Resources Office at sa aktibong kooperasyon ng mga personahe ng Lamitan City Police Station.

Ang aktibidad ay naglalayong maprotektahan ang ating kapaligiran sa anumang uri ng polusyon at mapanatili ang likas nitong kagandahan.

Ito rin ay isang paraan upang hikayatin ang komunidad na aktibong makibahagi sa pagprotekta sa ating kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *