Advocacy Support Groups, nakilahok sa Livelihood Training Program

Nakilahok ang mga miyembro ng iba’t ibang Advocacy Support Groups ng Aurora sa isinagawang Livelihood Training Program sa Camp Captain Victor Ravina, Aurora Police Provincial Office, Barangay Sabang, Baler, Aurora nito lamang Hunyo 28, 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 3 (RPCADU 3) sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Alex M Apolinio, Officer-In-Charge ng RPCADU 3, katuwang ang Pampanga 1st Provincial Mobile Force Company.

Tampok sa aktibidad ang pagbibigay kaalaman sa paggawa ng homemade kikiam at dishwashing liquid soap.

Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng kaalamang pangkabuhayan upang matulungang kumita sa sariling kasanayan sa paglikha at tulungang maiangat ang antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng pag-uumpisa ng sariling maliit na negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *